top of page
Search
  • Writer's pictureKenjay Reyes

Paano ginuhit ng dyurnalismo ang kapalaran ng isang kartunista

Updated: Feb 23, 2018

Bigo man siyang manalo o makapasok sa NSPC, hindi siya nagpatinag sa mga kabiguang iyon.




Nagsimulang gumuhit ng kapalaran si Kenjay Reyes pagtungtong niya ng hayskul sa Emilio Tria Tirona Memorial National High School sa Kawit, Cavite. Ngunit hindi siya orihinal na nanggaling sa mundo ng malayang pamamahayag. Isa siyang visual artist sa kanyang kabataan — malayo sa ginagawa ng kumbensiyonal na editorial cartoonist.

"Noon, iba ang sinasalihan ko sa school namin," sabi ni Reyes. "Sketch competition, on-the-spot poster making, pati mobile photography – lahat ng ganap sa school."

Nakilala niya lang ang mundo ng campus journalism noong minsang nakakuha ng isang kopya ng kanilang pahayagan sa paaralan. "Noong nagbuklat ako, naintriga ako sa mga naka-drawing doon," sabi niya.


Ang mga guhit sa dyaryong iyon ang nagbigay sa kanya ng isang malaking "what if." Noon niya unang naisip pasukin ang mundo ng pamamahayag.

"Sa sobrang gusto ko noong pumasok sa The Lightseekers, nagpa-practice talaga ako, minsan hanggang hatinggabi pa," kwento ni Kenjay sa kanyang pagsisimula. Naipanalo naman niya ang school-based presscon, at malugod na tinanggap sa organisasyon.

Habang tumatagal, patindi nang patindi ang paghahanda nila bago lumaban sa presscon hanggang sa nasubukan niyang itimbang ang oras na nilalaan niya para aral at para sa extra-curricular. Sa simula't sapul, pinipilit pa rin niyang higitan ang kanyang nagawa bilang isang editorial cartoonist.


"Noong 3rd year ako, nakabuklat ako ng libro ng editorial cartooning na Paradox. Ito ang mga compilation ng mga gawa ng pinakamagagaling na cartoonist." Balik-tanaw ni Reyes sa kanyang pinagkunan ng kasanayan sa pagguhit ng kartung editoryal.

Bigo man siyang manalo o makapasok sa NSPC, hindi siya nagpatinag sa mga kabiguang iyon.


Sa katunayan, sa paglipas ng panahon ay kinuha na rin siyang lecturer ng campus journalism sa iba't ibang parte ng Pilipinas. Isa siya sa naging tagapagsalita para sa JourKnows: Imus noong Agosto 2017.

Bukod doon, naging guest artist at lecturer na rin aiya sa iba't ibang art sessions at seminars, hindi lang sa Pilipinas, kung hindi rin sa mga karatig-bansa sa Asya.

At sino ang makakapagsabi na ang isang batang tubong Kawit, Cavite ay mailathala sa isang magazine sa Indonesia, at isa na ring brand ambassador ng Titus Pens, isang kilalang brand ng stationery.

Sa ngayon ay nag-aaral siya sa Polytechnic Univesity of the Philippines at kumukuha ng kursong Architecture, habang isinasabay niya ang pagiging lecturer at speaker.

Pero kailanman, hindi niya kinalimutan ang kanyang naging karanasan at naiambag sa kanya ng The Lightseekers.


"Akala ko sa una, extra-curricular lang talaga ang Campus Journalism. Hindi. Doon ako nakakilala ng bagong pamilya. Hanggang sa panahong ito, 'Tatay' pa rin ang tawag ko sa SPA namin," ayon kay Reyes, na isang salutatorian sa kanyang batch ng klase na ayon din sa kanya ay dahil din sa campus journalism.



“Siguro nga wala akong NSPC title na panghahawakan pero malaking bagay na sa akin ang makapag-lecture sa pinamalalaking unibersidad sa bansa. Siguro nga hindi ako nakapag-NSPC pero ang lahat ng natutunan kong ethics at skills sa journalism ay siyang mga sandata ko at ipinapasa sa iba,” dagdag nito.

Noon, ang batang journong na-inspire sa librong Paradox, ngayon ay ang batang journong naging inspirasyon na rin sa mga batang gumuguhit dahil sa mga gawang niyang nailathala na rin sa kaparehong libro. James Andrew Malihan


Visit:

http://x.rappler.com/x/JourKnows/1511258128038-Paano-ginuhit-ng-dyurnalismo-ang-kapalaran-ng-isan


17 views0 comments

Recent Posts

See All

Form follows Program

Having an efficient Solid Waste Management means that there has to be an effective operational program that should take place. Herein, I will be discussing some of the Operational Codes and Management

Combination of One

The National Ecology Center, per say, has a number of building typologies that lies on its programs; educational, industrial and other related types. These typologies are combined together to produce

GloCal

One of the best ways to showcase something on an International scene is to be able to master what is local. Hence, the title of this blog is GloCal - a synergy of Global expertise that greatly affects

bottom of page